
On June 17, 2011, the CCP opened the Kulo exhibit at the Bulwagang Juan Luna (Main Gallery), which featured works by 32 artists in celebration of Dr. Jose Rizal’s 150th birth anniversary. The exhibit, which intended to question or challenge societal customs and behaviors as a theme, received little attention until the media took notice of a particular piece: “Poleteismo” by multi-media artist Mideo M Cruz. Thus, a long controversy began involving debates among conservative groups, threats to personal and government property, and court charges. Eventually, on August 9, 2011, the CCP Board of Trustees decided to prematurely shut down the exhibit.
For the 10th anniversary of the Kulo, we interviewed Cruz for his perspective as the central subject of the controversy, his motivation behind his work “Poleteismo,” the controversy’s impact on his art career, how he coped with the stress, making art during the pandemic, and living a quiet farm life away from the city with his family.
What was the idea behind the Kulo exhibit and specifically your art installation “Poleteismo”?
I was invited by artist-curator J. Pacena. According to his concept, it was an unofficial show of UST alumni, in line with the 150th birthday of Rizal, kasi ang UST noon is celebrating 400 years. Sa totoo lang, medyo na-cornyhan ako doon sa all-UST alumni show, kasi I never put UST in my resume. Although, [it’s] exciting kasi si Rizal mismo, marami ring naging problema sa UST. ‘Di ko alam kung papayag ako, pero dahil kaibigan ko si J., eh ‘di pumayag na rin ako.
And then nagliligpit kami ng bahay, naglilinis kami...eh ‘yung nililinis ko, ang daming accumulated na gamit, ang daming installation materials, at nakita ko ‘yung mga gamit para sa Poleteismo and all other things. So, I emailed J.: “J., pwede ko bang i-submit ang Poleteismo doon sa exhibit?” I showed him some pictures. Actually, ‘yung mga pictures na pinadala ko came from an MTV music video ng isang banda na ginawa ko ‘yung Poleteismo as part of production design. Sabi niya, “Cool! Maganda ‘to! Mideo, gusto ko ‘to.” Kasi nakita rin naman niya ang mga previous exhibition na ginawa ko ang Poleteismo. Doon nag-umpisa.

Tungkol naman sa Poleteismo, matagal ko nang ginagawa ‘yung installation with the same title. There are also a lot of differences; madami ring pagkakamukha-mukha. Isa sa mga pagkakamukha-mukha ng project na ‘yun is the theme. It’s about power. It’s about idolatry basically. At ‘yung pagkaka-present, ‘yung juxtaposition of images na kinukuha ko ‘yung inspirasyon doon sa mga bagay na kinalakhan ko. Ano ‘yung kinalakhan ko? ‘Yung nakikita ko sa bahay namin halimbawa. Anong nakikita mo sa wall ng bahay mo: diploma, mga picture ng mga nag-ga-gradweyt, mga poster ng pulitiko, mga kalendaryo ng nakahubad na babae, and so many other things. Hindi lang nanay ko ang gumagawa niyan. Ginagawa ‘yan sa maraming household. ‘Yun ang nakikita natin. Doon ko nakita ang inspirasyong nagrerepresenta ng lipunan natin. Lagi tayong nanghihiram sa mga imahe na ‘to ng lakas. Ang poster ng pulitiko, nilalagay natin ‘yan sa wall ng bahay natin kasi gusto nating maipakita sa mga pumupunta sa bahay natin na ally natin ang pulitikong nakaupo. In a way, malakas tayo, “malakas ako kay mayor.” Retrato ng santo kasi ipinapakita mo sa taong pumupunta sa bahay mo na “Relihiyoso kami. Naniniwala kaming protektado kami ng Diyos.” So, it’s all about power and idolatry, in that sense.

‘Yung pangongolekta ko rin ng mga imahe o ng mga materials na ‘to ay base rin doon sa isang matagal nang proyekto na ginagawa ko. Ang tinatawag ko dito ay “appropriating excess.” Bakit “appropriating excess”? Ito ang mga sobrang imahe o ‘yung mga tinatapong imahe na nanggagaling doon sa lipunan natin. ‘Yung lipunan na, kung babanggitin nga ni Fredric Jameson, “late capitalism” o “the late stage of capitalism.” At ano ang krisis ng kapitalismo? ‘Di ba ito ‘yung overproduction? Ang dami-daming napo-produce, hindi lang mismo ‘yung artifacts o ‘yung material, ang dami ring basurang napo-produce sa kultura natin. Ito ‘yung mga nag-a-accumulate na materials. Hindi lang siya tangible material culture, kundi cultural practices din siya.
Ano ‘yung pinagkaiba naman ng ginawa ko sa CCP? Isa rin sa malaking impluwensiya simula nang mapanood ko noong college ako ‘yung pelikulang Tartuffe. Isa siyang silent German film. It’s a 1926 film, if I’m not mistaken. Noong pinapanood ko ‘yung pelikula, wala na sa pelikula ‘yung isip ko eh, kundi doon sa ideya ng pelikula na it’s a “film within a film.” So naging prinsipyo ko ‘yun. “It’s a film within a film” na nagawa ko rin sa mga sa mga performance art ko; gumagawa ako na ang idea ay it is a performance within a performance, intervention within an intervention. Ginawa ko rin ‘to sa installation na ito na parang ang wall na pinapakita ko sa likod ng installation ay representation ng lipunan natin. At kung makikita niyo, kung nandoon kayo noong panahon na ‘yun, may makikita kayong crucifix doon sa harap, at the center, at mayroong convex na mirror. ‘Yung convex na mirror na ‘to nasa loob ito ng isang halo na silver na usually nakikita natin sa poon. Nasa gitna ito ng cross. At kapag sumilip ka doon sa gitna ng halo, makikita mo ‘yung sarili mo, na pwedeng isang santo at nakikita mo ang repleksyon ng lipunan sa likod. Ganoon ‘yung ideya na kinukuha ko, hinahango ko doon sa concept ng Tartuffe.
Usually naman hindi ako nagsasalita tungkol doon sa mga imahe o partikular doon sa mga detalye ng ginawa kong art installation at kung paano nire-represent ‘yung lipunan na sinasabi ko. Sa tingin ko ang nagbibigay naman ng kahulugan doon ay ‘yung tumitingin mismo dahil naniniwala ako na kung ano ang vision ng tumitingin ay ganoon din ang representation ng sarili niya—yun siya. Kaya ‘pag pinakita mo ‘yung signifier, ‘di na ako ‘yung nagsasalita. Ang nagsasalita ‘yung tumitingin mismo, kung paano niya tina-translate ‘yung signifier na pinakita ko. At bilang isang artist, sa tingin ko ‘yun ang ginagampanan ko: maglabas ng imahe bilang signifier, o ‘yung motibasyon ko na ito ‘yung representation ng lipunan dahil sa tingin ko isa sa role ko bilang artist ay i-immortalize o i-document kung ano ang kasalukuyan kong nakikita.
Your piece at the exhibit was the one that received the most backlash among critics. Did you expect this to happen?
Not really. Sino bang pumupunta ng gallery? ‘Di ba? It’s a subculture. Ayaw man natin at sa hindi, ang gallery culture ay subculture. Hindi pinupuntahan ng tao. May pumunta mang tao sa gallery, they will just look around—alam mo ‘yun, wala lang. Although, syempre sa tingin ko, lalo na sa CCP—CCP is an arena, kasi hindi naman commercial gallery ‘yan eh: an arena of intellectual discourse. Hindi ko in-expect na mangyayari ‘yung kontrobersiya. Actually, nangyari ‘yun dahil sinensationalize ng isang media outfit, partikular ang XXX ng ABS-CBN. Nagpalabas siya kunyari—very sensationalized! Naglagay siya ng mga hidden cameras kunyari—sinong maglalagay ng hidden cameras sa CCP? Nagpaalam silang magsu-shoot sa CCP, may pa-hidden-hidden camera sila noong pinalabas nila sa XXX.

Mas malinaw diyan ‘yung nilabas na statement ng Center for Media Freedom and Responsibility. Sinabi nila doon kung ano ‘yung pinagmulan ng kontrobersiya. Well-detailed. Malinaw doon. Sinasabi nila na it’s a result of deliberate sensationalism by ABS-CBN. Nilabas nila ‘to noong September 5, 2011. It’s all detailed kung bakit nagkaroon ng kontrobersiya. And I believe that. ‘Yun naman talaga ‘yung nangyari.
Ang tingin ko nga sa CCP, unlike other commercial galleries na ang trato sa sining ay komersyo, ay arena siya ng mga rasyonal na konsepto sa sining at hindi siya zone ng isang spectacle ng mediocrity—‘yun ‘yung nangyari. At hindi naman nabigyan ng total grasp kung ano ‘yung proseso, o ano ‘yung konsepto ng work mismo.
The images contained in “Poleteismo” are what others might call blasphemous. Are they in conflict with your own religious beliefs?
I was born Catholic. Noong bata pa ako, uma-attend pa ‘ko ng mga Catholic gatherings. Pero syempre habang nag-aaral ka, nagbabasa ka, marami kang natutunan, nag-a-accumulate ‘yung mga natutunan mo, at marami akong realizations doon sa mga ginagawa ko dati: nagdarasal ka bago matulog, nagdarasal ka tuwing hapon, nagbabasa ako ng Bibliya—lagi akong may baong bibliya sa bag ko hanggang high school. Marami kang realizations, mga hinahanapan mo ng kasagutan. Lagi kong naaalala ‘yung sinasabi ni Carl Sagan: “Extraordinary claims require extraordinary evidences.”
Was there any intention to provoke viewers with your art?
Lagi naman akong nagpo-provoke sa mga trabaho ko eh. Siguro dito ang pinagkaiba lang, naging national controversy siya. Syempre napaka-stressful ‘yun. Intensyon ng trabaho ko ang nagpo-provoke. Dito lang, overwhelming kasi hindi natin ine-expect na for six weeks, I’ll be on the headlines. Sino mag-e-expect? Noong unang tumawag ‘yung XXX, nagtatawanan pa nga kami dito kasi birthday ng nanay ko. Hindi nga nag-sink in. Kasi noong tumawag ‘yung XXX, one month after. June 16 yata o June 15 ata nag-open ang exhibit. Tumawag ang XXX July 16. At kung malalaman niyo ano ‘yung nangyari, kinukwento ng staff nila. Hindi daw pumatok ‘yung pinuntahan nila sa Cavite, so kulang ng isang segment. Kaya pagbalik nila, ‘yung CCP ang pinuntahan nila dahil may isang tawag din galing sa CCP. So ayun, nakumpleto ang segment ng episode nila.
You participated in the open art forum “Dakdakan” which was an exchange among the artists of the Kulo exhibit, the CCP, and religious groups. How was the experience?
Actually, ayoko ko namang magsalita doon. May isang paring namimilit na magsalita ako, kasi ayokong magsalita under stressful conditions. Kasi hindi ka rin makapag-iisip nang matino eh. That time, hindi gumagana ‘yung utak ko. Too much stress, kasi gusto ng bawat kampo na gawin nila ‘yung gusto nila para sa’yo. Halimbawa, during that time ng Reproductive Health (RH) Bill, ‘di ba? Pati ‘yung RH Bill, kinarga sa akin. Eh, hindi naman tungkol din doon ‘yung piyesa ko. Kaya ang hirap. Very stressful.

Doon pa lang sa mga peers mo mismo, dahil gusto nilang maging bibig ka nila. Pressure, kasi hindi mo na alam kung anong gagawin mo. Hindi ako makapag-isip under stress. May mga taong ganoon, [na] kaya ‘yun. Eh ako, hindi naman ganoon ang personality ko.
Eventually, Kulo was shut down. How did you react to it?
Marami pang gustong makakita ng show ang hindi nakakita dahil sinara ang exhibit. Nakakalungkot. Nakakalungkot, birthday ni Emily (Abrera) noong time na ‘yun. It’s [been] 10 years, huh? Tanda ko birthday ni Emily noong in-announce niya na sinara na ito. And the next day is my birthday naman. ‘Yung pagkakasara ng exhibit, ‘yun din ‘yung height ng controversy.
We are aware that you were also receiving death threats at the time. To what extent did the issue affect you as a person?
Extended talaga ‘yung backlash. Actually, hanggang ngayon nararamdaman ko ‘yun. Hanggang ngayon, marami akong hater. Nasanay na lang din ako. Death threats, totoo. Minsan, hanggang ngayon. Although, mas natatakot syempre ako doon sa death threats na totoo, kasi maski noong panahon ni Palparan, may mga death threats ako eh. Ngayon, hindi naman ganoon kalaki dahil hindi na rin naman ako ganoon ka-active tulad dati. Hanggang ngayon inaatake ako ng trolls because of that. ‘Pag naalala kung sino ako, maski mga ordinaryong discussions, babanatan kaagad ako ng ad hominem, at babanatan ‘yung kontrobersiya sa CCP. Minsan naman hindi ko na rin pinapatulan.
Sa tingin ko may extension din ito sa mainstream art, lalo na sa mga art administrators, na lagi siguro silang may kaba ‘pag nababasa nila ‘yung pangalan ko doon sa lineup. “O, ano na naman ang gagawin nitong si Mideo?” Tapos medyo hindi ko rin mailabas ‘yung ibang trabaho ko na gusto ko nang ilabas sa Pilipinas dahil nawawalan ako ng space, dahil very conscious nga ‘yung mga spaces [sa] kung anong ilalabas kong trabaho. Ang nangyayari, sa labas ng bansa ko nailalabas ‘yung karamihan ng trabaho na dapat pinakita ko sa Pilipinas.

‘Yung platform ko na lang dito kadalasan ay social media, which is iba din ‘yung experience kaysa sa ma-experience mo ‘yung actual work. Tapos malaki din ‘yung natutunan ko in that sense: na may kakaibang parameters ‘yung artwork mo ‘pag dinala mo na sa social media. Nagkakaroon din siya ng extension. So, iba na ‘yung dimension na nakikita nila, which is interesting. And I treat this as an extension ng trabaho. So, maganda na nai-immortalize in another platform ‘yung trabaho mo; hindi natutulog. It’s very interesting na mas kinakailangan din ng mas marami pang explorations. Although gumagawa rin naman ako ng mga work na pang-social media; nag-viral ‘yung mga work ko na ginawa ko for social media. Minsan may intention na ‘yun talaga ang medium. Pero interesting na ‘pag ang intention mo, ang trabaho ay experiential, tapos ma-e-experience nila through another platform, interesting na aralin.
Has the controversy caused this shift in art style, medium, and platform?
‘Di naman siguro nagbago, tingin ko kasi ‘yung mga ginagawa dati, ginagawa ko pa rin naman ngayon. Minsan nga mas radikal pa eh. Siguro nagkaroon lang ng extension. Although maski naman sa digital, ini-explore ‘yan since late 90s, noong nauso ‘yung computer eh, ‘di ba? Nagka-486 (Intel 486) na ako noon, nag-e-explore na ako ng digital media doon eh. Actually may mga digital work na ako even before that eh, kaya lang wala pang Internet noong time na ‘yun. So, mas lumawak lang siguro ‘yung platform. At ngayon, kung hindi ka makapag-exhibit, naging platform na rin talaga ang social media para ilabas mo ‘yung trabaho mo. Since the pandemic, siguro ilang serye na ‘yung nagawa ko at nailabas ko sa social media.
Ten years after Kulo, do you think the Filipinos have become more welcoming of artworks that deal with sensitive subjects like religion and politics?
Ngayon mas malawak ‘yung naabot. Dalawang beses akong gumawa ng nag-viral na image ni Duterte, pero this is before the pandemic pa. Sa tingin ko, isa rin ‘yung digital [platform] sa malaking advantage para mas malaki ‘yung naabot ng artwork. Kasi ‘yung tao nasa bahay lang eh. Most of the time, nakatutok lang lagi sa mga cellphone nila, lalo na ‘yung kabataan. Malaking audience ‘yung naabot ng social media, at magandang medium din ito para ma-explore, para maraming maabot ‘yung mga works na nagagawa natin.

Mas malawak ang naabot ng social media; mas maraming conversations ang inaabot. Ang isa sa importante sa sining ay ‘yung dialectical process para mag-develop, [at] magkaroon ng progreso. Kasi kung walang dialectics, hindi magde-develop ‘yung sining natin; hindi lang ‘yung sining ko, hindi lang ‘yung sining mo, o ‘yung sining ng iba, kundi ‘yung pangkalahatan. Samantalahin na natin ‘yung social media para magkaroon ng engagement at makalapit tayo nang mas madali sa mga tao.
As an artist, what is your take on art censorship? What is the role of the artist in Philippine society?
Palagi kong sinasabi, “There is no limit to the imagination.” Each one of us, we deserve a space—a space na makakapag-express tayo, at huwag nating pigilan ‘yun. Doon naman sa titingin, you can easily disregard kung hindi interesting sa’yo eh. ‘Yun ‘yung problema minsan eh. Kung ayaw mo, eh ‘di wag mong tingnan. You can easily ignore that—and we must learn how to ignore things—lalo na sa panahon ng social media. Kung hindi, ‘pag nakuha ‘yung attention mo at ayaw mo naman, maiinis ka lang. If you are not fascinated with it, disregard it. We have the freedom to choose, at importante sa bawat indibidwal na ipinapahayag niya ‘yung sarili niya. Malaking bagay ‘to na dapat ginagawa ng bawat isa. Uulitin ko, there’s no limit to the imagination.
Do you have any advice to emerging or young artists who may have fear of expressing their works in social media?
‘Wag tayong matakot doon sa kritisismo. Constructive ang kritisismo. Piliin natin ‘yung mga battles na susuungin natin. Matuto tayong i-ignore kung hindi constructive sa’tin. Pero dapat pa ring i-welcome natin [ang] lahat ng kritisismo at aralin natin lahat ng aspeto na ‘to. Marami tayong matututunan sa bawat kontradiksyon dahil natututo tayo sa kontradiksyon. Sabi ko nga, natututo tayo at nagkakaroon tayo ng progreso dahil sa dialectics. Choose your battles. Kung troll ‘yan, eh bakit papatulan mo? I-ignore mo na lang. Don’t feed the trolls.
Looking back at what happened in 2011, and if given the chance, would you participate in Kulo again?
Actually, gusto kong ulitin. Right timing at the right venue. Gumagawa pa rin ako ng mga elements na nagko-contribute sa Poleteismo. Nangongolekta pa ako hanggang ngayon ng mga materials para sa installation na ‘yun.
Sa totoo lang, right after CCP, may mga invitations ako sa isang university atsaka sa ilang spaces sa UP na gawin ulit ‘yung installation. Ang problema ko lang noon, talagang hapit ako doon sa oras kasi nasira ‘yung working schedules ko noon. May mga project ako in the next two years, may mga commitment ako. Kaya pagod na pagod ako. Very stressful din sa’kin ‘yung paghahabol; kailangan matapos ko itong serye ng paintings kasi may exhibit ako ng October. Kaya nga right after that, nagpahinga ako. Noong time na ‘yun, na-delay ‘yung nakaplano kong working schedule noong controversies. Two months yatang wala akong nagawa dahil nakatutok ako doon sa kontrobersiya.
In case another Kulo exhibit happens again in 2021, do you think the people will react differently now?
Well, subjective ‘yan eh. Pwedeng acceptable sa mga tao, pero hindi naman acceptable sa mga spaces, sa platform. So kung wala ring platform, saan mo ilalabas ‘yung trabaho? Of course, hindi nag-a-apply ‘to sa lahat ng platform o spaces. Hindi rin ‘to nag-a-apply sa lahat ng tao. Halimbawa, sa art community, tolerable ‘yung mga ganitong imahe. Kaya lang lumaki nga, hindi matanggap ng [mga] hindi pamilyar doon sa [mga] nagpupunta ng gallery. Even before this, marami namang trabaho sa gallery na may mga blasphemous images. More blasphemous pa nga siguro doon sa nakita nila sa show ko, pero wala namang kontrobersiya na nangyari. Sa tingin ko, doon sa subculture ng gallery-goers, tanggap ‘yan. Kaya nga lang, doon sa mas malaking scope, pwedeng hindi. Wala rin naman tayong sapat na barometer kung paano natin ige-gauge kung tanggap ba nila o hindi. Puro espekulasyon rin ‘yung gagawin natin.

Pero ‘yung nangyaring kontrobersiya, manipestasyon pa rin siya. Ten years ago, barometer siya kung anong lipunan mayroon tayo, kung anong uri ng pananampalataya mayroon ‘yung mga Pilipino. Minumura nila ako. Mideo in Latin means “my God,” so sino minumura nila? Kaya nakakatawa din eh. ‘Yung frustrations mo bilang isang Pilipino, ano na ‘yung naabot natin bilang isang bansa?
The Kulo exhibit has become strongly associated with your name, especially for people who are not familiar with your previous works.
As an artist, unang-unang ayaw kong mangyari sa’kin ‘yung ma-stereotype ako, kasi ang dami kong ginagawa, ang dami kong exploration eh. Sa akin kasi, maski ang pagkakaroon ng isang istilo, halimbawa, sa pagpipinta, sa tingin ko kinukulong mo na ‘yung sarili mong creativity kasi hindi ka na makakapag-explore. Hindi ako naniniwala sa branding eh. Sa tingin ko, ‘pag artista ka, dapat nag-e-explore ka at gawin mo ‘yung mga hindi mo pa nagagawa. So kung nagkaroon ka ng branding, nililimitahan mo na ‘yung sarili mo. Sa punto ng name recall, it might be an advantage, pero ano ba ‘yung kabuluhan ng name recall kung stereotyped ka naman?
Do you have any other realizations or regrets since the exhibit?
Siguro, ang regret ko lang doon sa Kulo noong nangyari ‘yun, I don’t know how to deal with the media. I’m surprised eh, bago sa buhay ko ‘to. Kung ngayon mangyayari ‘to, siguro mas alam ko na kung paano magdi-deal, alam ko [kung paano] makipag-deal sa social media. Buti na lang, noong panahon na ‘yun, wala kaming TV. Siguro kung napanood ko pa ‘yung TV, eh ‘di lalong stressful, ‘di ba? O [kung] nakakapakinig ka ng radyo, lalong stressful. Na-i-interview na ako dati naman pa sa media, lalo na kami ‘yung mga gumagawa ng mga effigy. Ang dami naming interviews. Pero dito natutunan ko ‘yung sound bites. Ang dami kong sinabi noon sa media: [mga] paliwanag tungkol doon sa motibasyon ko doon sa Poleteismo, walang lumabas. Ang hinihintay na lang talaga nila sound bites. Ang haba ng kwentuhan namin. Tapos na-reduce lahat doon sa death threat. ‘Di ako marunong sa ganoong aspect at noong panahon na ‘yun, wala rin namang nagko-coach sa’kin. Ang hirap.
How did you cope with the stress that the issue has caused?
Bale 2011 nangyari yun eh. Siguro ang commitment ko nun hanggang 2012 or 2013—exhibits tapos residency. Before that marami nang nag-i-imbita sa’king lumabas. Halimbawa si Lee Wen, ino-offeran ako ng residency sa Singapore. “Punta ka dito,” sabi niya, “Apply ka ng residency, magpahinga ka.” Marami namang offer; natutuwa naman ako na very supportive ‘yung international community. Nung height din nung controversy, may isang kaibigan din kaming parang tatay-tatayan namin, curator sa Vancouver. “Oh, punta ka na dito, magpa-fundraising kami. Mas importante ‘yung buhay,” kasi syempre nasa international news na may death threat ako. Apply daw kami ng political asylum. Pero ‘yung naging usapan naming mag-asawa, “Hindi, tapusin natin ‘to kasi parang tinatakasan mo naman yung responsibilidad mo.”
So, ginawa na muna namin ‘yung mga commitments namin. Ayokong tumatakas sa commitment eh, kahit papaano kailangang i-fulfill. Nagkaroon ng residency sa US ‘yung asawa ko, sumunod ako. Doon, mas nakapagpahinga ako. May mga projects kami doon pero syempre ‘di masyadong related dito. Nandoon din ako nung na-lift ‘yung kaso sa ombudsman. Mas malaking hinga kasi dala-dala mo rin ‘yung burden ng may naiwan ka pang kaso dito sa Pilipinas. Pagbalik eh saka lang ako tumanggap ng mga bagong maliliit na commitments.
If given more opportunities by the CCP or other art spaces in the Philippines to show your works, would you accept them?
Yes. Lalo na sa’kin na, sa tingin ko, lumiit ‘yung platform ko after that controversy. Mas lumiit ‘yung platform ko sa Pilipinas. Sinasamantala ko na ‘yung mga binibigay sa’king platform na mailabas ‘yung trabaho ko lalo na kung ‘yung trabahong ilalabas ko eh papayagan nung spaces. Siyempre, marami pa rin namang compromises eh. Actually, pinag-uusapan n’yo naman ‘yan ng space kung ano ‘yung ilalabas mong piyesa. Kung makakapagpalabas ako ng mga piyesa na less yung compromises, why not? Malaking hinga for an artist na madagdagan ang platform.
We are seeing some sculptures in your background. Are you currently working on some pieces?
Part pa rin itong series ng naging exhibit ko sa NCCA: Unfairy Tales. Matagal na akong gumagawa ng mga ganitong rebulto even before Poleteismo. Nag-mutate na rin ang concept, working titles, at structures. Siguro nag-umpisa ako nito [noong] mga 2008, or ‘yung iba [noong] college pa ako, pati ‘yung mga collection ko. Sabi ko nga nagko-collect ako ng mga tinatapong bagay para i-recreate ko, i-construct ko para magkaroon ng mga bagong kahulugan. Ito ‘yung mga sobra: mga manika, mga santo kagaya nito, mga cultural icon, at nire-reconstruct ko para magkaroon ng mga bagong kahulugan.

May solo show dapat ako sa China eh. ‘Di ko alam, matutuloy na raw ngayong December. Para doon ‘yung ginagawa ko. Kasi kung matutuloy ‘yun, kailangan makatapos ako ng mga works by October kasi ishi-ship pa ‘yan. Pero hindi ko pa rin alam kung matutuloy. Alam niyo naman ‘yung sitwasyon natin. Maraming na-delay na project ko. May residency dapat kami sa Europe at sa China; syempre cancelled ‘yun. May exhibition [dapat] ako sa Singapore atsaka sa China—cancelled din ‘yun. Ang tindi ng economic impact ng pandemic sa amin.
Ang masaya lang siguro [ay] matagal ‘yung trabaho mo sa studio. Ang dami rin naming na-cancel na big initiative na gagawin for 2020, like really big initiative. Nag-meeting na kami, saka biglang pumasok ‘yung lockdown. Wala na, sarado ‘yung mga malls and everything. Tapos ‘yung mga kasama mo sa project, ngayon kung saan-saan na rin nagpuntahan. ‘Di mo alam kung after the pandemic, mabubuo niyo pa ulit kasi naglipatan na eh. Migrated somewhere outside Manila, kasi ‘yun din ‘yung hinahanap ng pagkakataon.
Do you have some COVID-19-themed or -inspired artworks you have created recently?
Meron sigurong ilan, especially ‘yung mga drawings na ginawa ko lately. Interesting din ‘tong mga drawings na ‘to kasi 2008 ko ‘to inumpisahan sa San Francisco. At least naumpisahan ko na siguro; nakagawa ako ng mga 30 drawings. Gusto ko pa ring ituloy.
Is there any positive change that this pandemic brought to your art practice and life in general?
Ang benefit niya, mas nakakapag-stay ako sa studio. Habang lahat ng tao inis na inis sa quarantine, ako naman enjoy kasi ang dami kong ginagawa. Ang disadvantage sa marami [ay] ‘yung economic difficulties, kasi wala ring income na pumapasok. Pero in terms of working space, sa probinsya ako nakatira eh, kaya ang sarap. You have a bigger space, tapos ipon ako nang ipon ng surplus, ng junk, so pagkakataon din na ‘yung mga nag-accumulate na gamit na ‘to, mabawasan ko kasi naiipon nang husto. Ipon lang nang ipon, tapos wala naman akong oras para magtrabaho; ngayon mas marami akong oras magtrabaho.

Nakabuo din ako ng isang series na bakal, metal sculptures. Ang tagal ko nang gustong linisin ‘yung area kung saan ako nagko-collect ng bakal. Ito ‘yung naging pagkakataon ko para mag-construct. Ino-oxidize ko siya ngayon. Ang problema lang, minsan ‘pag nangangailangan ulit ako ng bakal, dadaan ako sa junk shop, lalo yatang dumadami ‘yung bakal ko. ‘Di mababawasan kasi napapabili ka ‘pag may nakikita kang interesting object at nakikitaan mo ng potensyal na pwedeng maging isang art material.
What is your primary medium in art?
Halo-halo eh. More than 50% ng ginagamit kong objects ay galing sa pulot.
Do you currently have any upcoming exhibits?
Laging nakadepende sa kung gaano ka-contagious ‘yung variant ng virus na lumalabas. Katulad ngayon, ‘di ko alam kung matutuloy ‘yung show ko sa China. Actually ‘yung dahilan kung bakit nagpabakuna na ako kasi gusto ko nang mag-travel, kasi wala rin akong hanapbuhay. Ang daming project na ‘di natuloy, ang daming deliveries na hindi ko nagawa dahil sa pandemya. Sa ngayon nakadepende lagi sa pandemic ‘yung day-to-day living natin. ‘Di natin alam kung bukas buhay pa tayo.
May exhibit kami, siguro matutuloy naman ‘yung exhibit sa isang local gallery sa December. Maybe my first physical exhibition during the pandemic; ‘yung mga shows ko puro online. Sana matuloy ‘yung China, tapos may pending Bangkok din ako na pinapupunta ako doon ng isang kaibigan. Paano ako makakapunta, sarado pa rin ang Bangkok? ‘Di ko nga ma-comprehend ‘yung situation ng health ng bawat isa. Nakakatakot talaga.
We hope all those projects resume soon. Where do you currently reside?
Gapan. Nag-migrate ako dito since 2013. Pagbalik namin galing US kasi buntis din ‘yung asawa ko, nag-decide kaming mag-migrate dito kasi mas malaki ‘yung space ko, marami kang magagawa, very productive.


Dami ‘kong inaani. ‘Yung mga tinanim ‘kong halaman noon, may langka kaming naaani na namin tapos ‘yung suha namin may bunga na, tinanim ko noong pagbalik namin dito. Isang concrete na contribution na nagagawa ko sa lipunan ko ngayon ay magtanim ng halaman para makadagdag ng oxygen na hinihinga natin. ‘Yun siguro ‘yung pinaka-concrete na hindi ko nagagawa sa matagal na panahong nilagi ko doon sa Maynila. Dito mas maluwag ‘yung space, mas marami kang nagagawa. Masarap na kapiling mo ‘yung kalikasan.
It is relatively safe there in terms of COVID-19 cases.
Oo. Ini-imagine nga namin, kung sa Maynila kami naabutan, at least dito malaki ‘yung support system, nandito ‘yung pamilya namin. Maski nagugutom ka, hindi ka matitiis ng pamilya mo na hindi ka pakainin.
Other than making art, what else do you do in your spare time?
Halos wala na akong mataniman ng puno. Nag-i-invest ako na siguro after five years, mapakinabangan namin. Patuloy pa rin akong nagbibinhi. ‘Yung iba pinamimigay ko, ‘yung iba tinatanim ko—wala na akong mataniman eh kasi halos dikit-dikit na nga ‘yung mga tanim kong puno. ‘Yung iba malalaki na, nakakatuwa.



Aani na kami ng suha ngayon, tapos ‘yung tanim kong langka inaani na namin. Ang dami ko rin alagang hayop: manok, bibe. Nakakatuwa.
Mideo M. Cruz (Philippines, b. 1973) is a cross-disciplinary artist and activist based in Gapan City, Nueva Ecija, Philippines. His artworks often showcase bold and provocative statements on the social structure. Specifically, Cruz takes his activism from the streets to his art by creating political yet humorous work, igniting individual and collective social conversations. As an activist, Cruz devotes his time in searching the truth beneath the sanitized and censored declarations from existing institutions. In 1992, Cruz and a group of artists/activists established a cultural group, “UGATLahi”, an art collective that aims to promote and popularize the role of culture and arts in nation-building. Later, he organized the international artists’ network “New World Disorder,” initiating art events and interventions to question and challenge capitalism and imperialist globalization. He is a recipient of the Cultural Center of the Philippines 13 Artists Award in 2003 and the Ateneo Art Awards in 2006. In 2008, Cruz received an ACC Fellowship to participate in residencies at the Headlands Art Center in California and PointBWorklodge in New York. In 2011, his installation Poleteismo became one of the most controversial pieces, stirring a national debate on aesthetics, religion, and politics. Currently, he is living off-grid, away from the local commercial mainstream art industry and busy with various community creative projects connected to the Bangan Project Space in his hometown 100km north of Manila.